Duque

Publiko pinag-iingat ni DU30 sa pekeng COVID-19 medicine

204 Views

PINAG-IINGAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa pagbili ng COVID-19 medicine sa mga fly-by-night store at online sellers na maaari umanong peke ang ibinebentang gamot.

Sa kanyang Talk to the People noong Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na huwag ding bumili sa mga nagtitinda na hindi nagbibigay ng resibo.

“Mga kababayan ko, ‘wag kayo bumili ng medisina for use against COVID-19. ‘Wag kayong bumili ng medisina di lang sa sari-sari store, yung mga fly-by-night na bukas lang pero walang masyadong pinagbibili,” sabi ni Duterte.

Iminungkahi ni Duterte na ipainom na lang ang mga pekeng gamot sa mga nagbebenta.

“Kayong mga sa gobyerno ‘pag nahuli ninyo sila na peke, tignan natin kung totoo o hindi. Ang mabuti niyan, you can discern. Ipainom mo, inject mo sa kanila para malaman natin well kung mamatay eh di sorry, kung magtanong sila kung sino nag-utos nito, sabihin mo si Duterte. Para kayong. Pagako nakahuli sa inyo, yan ang gawin ko ipainom ko sa inyo, iinjection ko sa katawan ninyo,” sabi ng Pangulo.

“Kung mamatay ka, magkasakit ka, problema mo yan. Wag mo akong balikan sa problema na ginawa mo,” dagdag pa nito.

Aakuin umano ni Duterte ang kasalalan kung hahabuling ang mga susunod sa kanya.

“’Yung mga fake na injectable, kunin mo yun, buksan mo at sabihin mo doon sa CIDG o NBI na sayang man rin maski na fake, papakinabangan, ipainom mo sa mga pu***** na, sabihin mo kung sino nag-utos, sabihin mo ako. Para pandagdag doon sa ICC,” sabi pa nito.

Mula 2018, umaabot na sa P27.3 milyong halaga ng pekeng gamot ang nasabat ng NBI.

Parental consent kailangan sa pagbakuna ng edad 5-11

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kailangan ang parental consent bago bakunahan ang mga edad 5-11 taong gulang laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ibinasura na ang probisyon ng DOH Memorandum No. 2022-0041 na nagsasabi na ang estado ang maaaring magbigay ng consent upang mabakunahan ang isang bata kung araw ng magulang nito.

Sinabi ni Duque na inalis ang naturang probisyon noong nakaraang linggo. Aniya, paglabag ito sa karapatan na pinoproteksyunan ng Konstitusyon.

“Under normal circumstances, hindi mo puwedeng tanggalan ng karapatan ang magulang para kumonsento sa mga ganitong programa o ganitong vaccination natin,” sabi ni Duque sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa ni Duque ang maaaring bigyan ng consent ng gobyerno na magpabakuna ay ang mga nasa bahay ampunan o hindi tiyak kung sino ang mga magulang.

Noong nakaraang linggo, dalawang magulang ang naghain ng petisyon sa korte sa Quezon City upang kuwestyunin ang sapilitan umanpng pagbabakuna sa mga menor de edad. Ni MAR RODRIGUEZ