Caintic

Mga kumuha ng VaxCertPH kailangang mag-download ng bago

179 Views

PINAYUHAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga kumuha na ng VaxCertPH bago ang Pebrero 7 na muling mag-aplay ng bago dahil maaaring umano hindi na mabasa ang QR Code ng mga ito.

Ayon kay DICT acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na isinama na nila ang booster shot sa bagong COVID-19 vaccine certificate at dinagdagan ang mga security features nito upang hindi mapeke.

Maaaring mag-aplay ng VaxCertPH sa https://vaxcert.doh.gov.ph/.

Nakikipag-usap na rin umano ang DICT sa iba’t ibang bansa upang kilalanin ng mga ito ang VaxCertPH bilang katibayan ng pagpapabakuna.

Nilinaw naman ni Caintic na magagamit pa rin ang mga vaccination card na bigay ng mga lokal na pamahalaan sa pagpasok sa mga establisyemento sa bansa. Ni MAR RODRIGUEZ