DOH

COVID-19 UPDATE: Aktibong kaso bumaba sa 84k

464 Views

BUMABA sa 84,229 ang bilang ng aktibong kaso sa bansa ngayong Sabado.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 3,792 ang bilang ng mga kaso. Mas marami naman ang bilang ng mga gumaling na naitala sa 10,662 at 76 naman ang pumanaw.

Sa kabuuan ay 3,634,368 na ang nahawa ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,495,209 na ang gumaling, at 54,930 naman ang namatay.