Karlo Nograles

Vaccination certificate ng Malaysia, Ireland kikilalanin sa bansa

203 Views

KIKILALANIN na sa Pilipinas ang COVID-19 vaccination certificate ng Malaysia at Ireland.

Ayon kay acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa isang pagpupulong ngayong Lunes.

Pinapayagan ng gobyerno ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan na bakunado na laban sa COVID-19 at ang vaccination certificate ang gagamitin nilang katibayan rito.