Lacson

Blue Ribbon Commitee muling pamumunuan ni Lacson

176 Views

MULING itinalaga si Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang tagapangulo ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, o mas kilala bilang Blue Ribbon Committee, sa ginanap na sesyon ng Senado.

Ipinanukala ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang muling pagluklok kay Lacson, na nagsabing, “Mr. President, pursuant to Rule 10, Section 13 of the Rules of the Senate, I move to elect Senator Panfilo Lacson as Chairperson of the Committee on Accountability and Public Officers and Investigation.”

“Any objection? Chair, hearing none. Senator Lacson is by-elected,” tugon ni Senate President Vicente Sotto III.

Dati nang namuno si Lacson sa Blue Ribbon Committee at kasalukuyang nanunungkulan bilang Senate President Pro Tempore. Batay sa opisyal na tala ng Senado hanggang Setyembre 15, 2025, siya rin ang tagapangulo ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Ang Blue Ribbon Committee ang pangunahing sangay ng Senado na nagsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian at maling paggamit ng kapangyarihan sa pamahalaan. Isa itong mahalagang mekanismo ng pananagutan para sa mga opisyal ng gobyerno.

Walang pagtutol o debate na inihain matapos ang mosyon.