SMC Ang bahagi ng binabahang lugar sa San Pedro, Laguna na pinuntahan ng SMC officials. GIL AMAN

SMC dredging project sa Laguna simula na

Gil Aman Nov 14, 2025
341 Views

SINIMULAN na ng San Miguel Corporation (SMC), katuwang ang Laguna, ang dredging project sa Brgy. Landayan, San Pedro City, Laguna na matagal nang nakararanas ng matinding pagbaha.

Binigyang diin ni Gov. Sol Aragones na bagama’t dahan-dahan ang proseso, simula na ito ng tuloy-tuloy na hakbang para maresolba ang problema sa pagbaha sa lalawigan.

“Hindi ganun kabilis, pero okay lang maghintay tayo, willing to wait tayo. At least may solusyon na,” ayon kay Gov. Sol.

Matagal nang nakalubog sa baha ang Landayan, dahilan upang lumipat sa modular learning ang mga estudyante ng Landayan Elementary School.

Limang buwan nang apektado ang kanilang pag-aaral habang patuloy na humaharap ang mga residente sa hirap at panganib na dulot ng tubig-baha.

Ang dredging project ay bahagi ng mas malawak na programa ng SMC para sa rehabilitasyon ng mga ilog at pagpigil sa pagbaha sa buong Laguna.

Tiniyak ng pamahalaang panlalawigan na bagama’t unti-unti ang proseso, ito ay may matibay na plano at pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya.