FAB Kasama nina FAB administrator at CEO Hussein Pangandaman (gitna) ang mga participants at sponsors sa triathlon. Kuha ni Christian Supnad

307 participants sasabak sa FAB triathlon

Christian Supnad Nov 16, 2025
491 Views

FREEPORT AREA OF BATAAN–Umabot sa 307 participants mula sa 17 na bansa ang sasali sa 3 araw na international triathlon na gaganapin dito.

Ang ruta ng biking ay mula FAB hanggang Camaya resort hotel sa Biaan, isang bundok at katabi ng dagat.

Ipinagmalaki ni FAB Administrator at Chief Executive Officer Hussein Pangandaman na ang triathlon ang isa sa pinakamalaking sports events sa Luzon dahil dadaluhan ito ng 307 participants mula sa Amerika, United Kingdom at iba’t’ ibang bansa.

“Ang triathlon na ito ay hindi lamang mai-promote ang investment at tourism ng FAB kundi pati na boung Bataan,” sabi ni Pangandaman.

Ang sports na ito ay inisponsoran ng IRONMAN Group’s Sunrise Events Inc. at 5150 FAB .

Sinabi ni Frances Galora, president ng Sunrise, na inabot sila ng isang taon sa preparation ng naturang events at napili nila ang FAB Mariveles area dahil sa ganda ng kalsada at facilities dito.

Binubuo ang triathlon ng biking, swimming at running.

“This is a moment of pride,” sabi ni Malou Herrera, deputy administrator.