Vendor

Tindero timbog sa mga boga

460 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas--Isang tindero ng itlog noong Miyerkules ang naaresto ng mga pulis sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose, Batangas.

Ang suspek, si alyas Leo, 72, negosyante at residente ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose, ayon sa report.

Natiklo ang suspek sa search warrant na inisyu ng executive judge ng RTC-Lucena City, Quezon na isinilbi sa suspek ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas police Provincial Office dahil sa paglabag  sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Nakumpiska mula sa suspek ang isang Smith and Wesson Springfield ang cal .38 revolver, Taurus cal. 9mm pistol, 28 bala para sa cal .38 at walong bala para sa cal. 9mm.