Calendar
Pinangunahan ni Arch. Jun Palafox (pang-4 mula sa kanan) katuwang si Sta. Cruz, Laguna Mayor Joseph Kris Benjamin Baltazar Agarao ang ribbon cutting sa pagbubukas ng 1st LACBEX 2025 sa Laguna Sports Complex sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.
Laguna naglunsad ng LACBEX ’25
BINUKSAN ang 3 araw na Laguna Construction and Building Expo (LACBEX) 2025 sa November 20-22 na dinaluhan ng mga pulitiko at negosyante.
Kaakibat ng temang “Constructing the Future: Building Together for a Better Laguna,” itinataguyod ng expo ang pag-usad ng Laguna tungo sa mas moderno at mas napapanatiling kinabukasan.
Pinagsama-sama ng pagtitipon ang iba’t ibang exhibitors na nagpakita ng materyales sa konstruksyon, makabagong teknolohiya sa inhinyeriya, solusyon sa arkitektura, at mga makakalikasang inobasyon sa pagbuo ng gusali.
Patuloy na nagiging mahalagang espasyo ang LACBEX 2025 para ipakilala ang bagong kaalaman, palakasin ang ugnayan ng mga grupo, at itaguyod ang mas responsableng direksyon sa pag-unlad ng industriya ng konstruksyon.
Nagbigay ng mensahe si Sta. Cruz, Laguna Mayor Benjamin Agarao at nanawagan na palakasin ang lokal na industriya at yakapin ang modernong teknolohiya para mapataas ang kalidad ng mga proyektong pang-imprastraktura sa Laguna.
Sa pagtutulungan ng mga lider ng lalawigan at munisipalidad, ipinapakita ng LACBEX 2025 ang matibay na determinasyon ng Laguna na magtayo ng mas maunlad na bukas.

