Calendar
Pinakamalaking nursery ng crayfish inilunsad ng BFAR sa Candaba
INILUNSAD ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pinakamalaking nursery ng ulang o crayfish sa bansa na inaasahang makakatulong ng malaki sa mga mangingisda.
Ang naturang proyekto na itinayo sa Candaba, Pampanga ay isang flagship program ng Farm Fresh Early Catch Inc., sa pakikipagtulungan sa Da Shin Biotech Ltd. ng Taiwan at ang BFAR.
Layunin ng proyekto na mag-mass produce ng Australian Redclaw crayfish (Cherax quadricarinatus), isang high-value species na may katangiang mabilis lumaki, robust hardiness, at malakas ang demand sa merkado.
Isang uri ng crustacean ang ulang o kilala ding lobster.
Ayon sa BFAR, mapapalakas ng naturang proyekto ang adyenda ng bansa para sa food security at ang pagsisikap na makapagbigay ng sustainable livelihood para sa mga komunidad sa kanayunan.
Sa kanyang mensahe na ipinarating ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa, sinabi Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., nagpapakita ang inisyatiba ng pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor para sa pagpapatatag ng food security ng bansa.
“Built through the partnership of Farm Fresh Early Catch Inc., Da Shin Biotech, and the DA-BFAR, this nursery shows that when government, private innovators, and fisherfolk come together, progress stops being a dream—it becomes our shared reality,” ani Tiu Laurel.
Binigyang diin pa ni Tiu Laurel na magbubukas ng bagong oportunidad para sa mga mangingisda ang crayfish farming tulad ng dagdag kita, livelihood, at pagkain.
“Each pond must also “nurture care, discipline, and respect for the balance of our ecosystems,” dagdag pa ni Tiu Laurel.
Sinabi pa ng kalihim na nagtakda ang BFAR ng mga striktong panuntunan upang maprotektahan ang native aquatic life.
Ang bagong pasilidad na nakatayo sa may 1,280-square-meter na lupa ay mayroong 16 na tangke na maaaring mag produce ng 48,000 fry kada dalawang linggo.
Kauna-unahan ding gagamitan ang naturang nursery ng water-recycling na makakabawas ng wastewater at iko-conserve ang freshwater.
Magsusuplay ang nursery sa kasalukuyang 3-hectare grow-out ponds ng Farm Fresh na kung saan nakakapag-ani ito ng 30 tonelada na market-size crayfish kada taon at susuportahan ang mga partner grower.
Simula 2026, plano ng Farm Fresh ng isang massive rollout ng grow-out operations: 1,500 hectares sa Luzon, 750 hectares sa Visayas at Mindanao.
Inaasahang makakapag-produce ang mga naturang site ng mahigit sa 1,200 tonelada ng crayfish kada anim na buwan, na maaaring mailagay ang bansa bilang isang serious contender sa regional at global market.
Samantalang inaasahan ding makapagbigay ng mahigit sa 3,000 direct job ang naturang proyekto.

