Calendar
Ang dalawang suspek na nahulihan ng mahigit P500,000 halaga ng shabu.
2 suspek na tulak laglag sa P500K shabu
CAMP BGEN PACIANO Rizal–Dalawang suspek sa pagtutulak ng droga ang bumagsak sa kamay ng Laguna police sa buy-bust sa Sta. Cruz at San Pablo City, Laguna noong Nobyembre 28.
Sa ulat ng San Pablo City police, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Redentor Tirana, acting chief of police, nahuli ang mga suspek na sina alyas Cheboy, 44; at Anna, 45, na may pag-iingat na mahigit P500,000 halaga ng shabu.
Nadakma ang dalawa dakong alas-7:17 ng gabi sa Brgy. San Francisco San Pablo City, Laguna matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Nasamsam sa suspek ang 50 gramo ng shabu na aabot sa P340,000.
Arestado naman si alyas Anna bandang alas-8:50 ng gabi sa Brgy. Calios, Sta. Cruz, Laguna na may dalang 30 gramo ng shabu na may halagang P204,000.
Nasa kustodiya ng kani-kanilang operating unita ang mga ang arestadong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

