Calendar
Salamat Kapatid Program ginanap sa Batangas
NAGSAGAWA ng Salamat Kapatid Program noong Biyernes sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) covered court sa Camp Gen Miguel Malvar, Batangas City.
Pinarangalan sa event ang mga nagretirong sina P/Cpt. Ragemer Hermidilla at PSMS Valiant Aguilera.
Sinamahan ang mga awardees ng kanilang mga mahal sa buhay sa seremonya.
Tradisyon ang programang Salamat Kapatid sa Philippine National Police na nagbibigay-diin sa tagumpay sa career ng bawat pulis.
Ipinakita ni P/Lt. Col. Angelito Guardian, Deputy Provincial Director for Administration, ang Medalya ng Paglilingkod, Certificate of Honorable Service, Gallery of Chevron at memento sa mga pinarangalan.
“Ang iyong pagreretiro ay nagmamarka ng isang bagong kabanata sa iyong buhay. Isang kabanata na iyong pinaghirapan sa pamamagitan ng mga taon ng sakripisyo at dedikasyon,” sabi ni P/Col. Guardian.

