Calendar
Butuan, Zambo airports nagkaroon ng ESE
NAGLUNSAD ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga emergency simulation exercises (ESE) sa Zamboanga International Airport (ZIA) (ZIA) at Butuan Airport kamakailan.
Bahagi ng pagpapatibay ng kaligtasan sa himpapawid, kahandaan, at koordinasyon ng iba’t-ibang ahensya ang ESE.
Sa ZIA, ginanap ang ESE noong Disyembre 5 para sa pagsasanay sa pagtugon sa off-airport emergency.
Sinubok doon ang command and control, komunikasyon, medical response, fire fighting, seguridad at paghawak ng mga pasahero.
Sa Butuan Airport, nagsagawa ng ESE noong Nobyembre 28 na nagpapakita ng kahandaan at kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng paliparan, mga emergency services at mga katuwang na ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Pinagtibay ni CAAP Director General Raul Del Rosario ang pangako ng ahensya sa pagpapalakas ng kaligtasan sa himpapawid alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Giovanni Lopez.
“Pinapalakas ng CAAP ang kahandaan sa bawat antas upang makapagtugon ng mabilis at epektibo sa anumang emerhensiya,” sabi ni Del Rosario.

