Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Suspek sa boga, motornapping tiklo

Christian Supnad Dec 12, 2025
293 Views

MARIVELES, Bataan–Nasakote ng mga pulis- Mariveles, sa pamumuno ni Lt. Col. Mar Joseph Ravelo, hepe ng pulis, ang dalawang umano’y sangkot sa motornapping at illegal possession of firearms noong Huwebes.

Sa ulat kay Col. Marites Salvadora, Bataan police director, bandang alas-3:30 ng hapon ng nakatanggap ng reklamo ang mga pulis tungkol sa motorcycle na nawawala sa Resurreccion St., Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Matapos ang ilang oras ng investigation, nakita ang nawawalang motorcycle sa pag-iingat ni alyas Vil sa Blk. 45, Lot 16, NHA, Sitio Mabuhay, Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Inaresto ang dalawang suspek at habang kinakapkapan nakakuha ang mga pulis ng cal .45 na baril.