Calendar
Suspek sa pagpatay lumaban sa parak, sugatan, arestado
ORION, Bataan–Sugatan ang aarestuhing suspek sa kasong murder nang mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa kanya sa Brgy. General Lim ng bayang ito noong Miyerkules.
Sugatan ang suspek na si alyas Cebu, 35, sa kaliwang braso at kaliwang tuhod nang gumanti ng putok ang mga awtoridad na una niyang binugahan ng bala ng siya’y aarestuhin na.
Wanted sa kasong murder ang suspek batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 3 sa Balanga City.
Ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group-Olongapo ang pag-aresto sa suspek na nauwi sa engkwentro.
Narekober mula sa suspek ang isang cal .45 pistol, isang magasin at apat na bala.
Dinala ang suspek sa CIDG-Olongapo para sa dokumentasyon habang inihahanda ang mga papeles para sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa RA 10591.
