Vic Reyes

PBBM pinatunayan pagmamahal sa mga OFW

Vic Reyes Dec 21, 2025
270 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga tagasubaybay, hindi lamang dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa.

Ilang araw na lang ay Pasko na.

Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Binabati rin natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Mama Aki,

La Dy Pinky, Roana San Jose, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa  # +63 9178624484)

***

Talagang ipinapakita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na hindi lang siya kilalang anti-corruption crusader kundi isa ring pro-overseas Filipino worker (OFW).

Huwag natin kalimutan na si Presidente ang siyang nagpasimula sa ginagawang imbestigasyon sa mga ma-anomalyang flood control projects sa bansa.

Matatandaan na noong huling state-of-the-nation address (SONA) ni PBBM ay naging battlecry niya ang “Mahiya Naman Kayo.”

Na ang pinatutungkulan niya ay ang mga taong sangkot umano sa mga maanomalyang proyekto.

Ngayon, ipinakita naman niya ang kanyang pagmamahal sa mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pag-aproba sa hiling ng Bureau of Customs (BOC) na pondo upang mai-deliver nang door-to-door ang mga inabandonang balikbayan boxes.

Ang mga kahon na ito ay naglalaman ng mga pamasko ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak, at kaibigan sa Pilipinas.

Hindi mailabas sa piyer ang mga kargamentong ito dahil inabandona ng mga iresponsable at mapanlinlang na freight forwarders.

Ang ponding inaprobahan ni Pangulong Marcos ay gagamitin upang tugunan ang mga gastusing kaugnay ng pag-proseso at delivery ng mga balikbayan boxes.

Hindi na kailangan pang magtungo sa opisina ng BOC para kunin ang kanilang mga kahon dahil ihahatid na ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.

Siniguro pa ni Commissioner Ariel Nepomuceno na matatanggap ng mga kinauukulan ang mga kahon bago matapos ang holiday season.

Ang mabilis na pag-aksyon ng Malacanang sa problema ay nagpapakita lamang nang pagmamahal ni Pangulong Marcos sa mga tinatawag na “modern-day heroes.”

Alam ng Ilokanong Punong Ehekutibo kung gaano ka-importanteng matanggap ng mga kamag-anak at kaibigan ang mga padalang regalo ng mga OFW.

***

Sampung araw na lang at 2026 na.

Sa dami ng ating mga problema, na kagaya ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ay naniniwala tayo na gaganda ang buhay sa susunod na taon.

Ang kailangan lang ay kalimutan na natin ang ating mga pagkakaiba (differences) at ituon na lang natin ang ating atensyon sa economic development.

Walang mangyayari kung lagi na lang tayong nagbabangayan dahil sa politika.

Tigilan na natin ang patutsadahan. Pero hindi ibig sabihin ay kalimutan na natin ang mga naganap na katiwalian sa gobyerno.

Dahil nasa korte na ang marami sa mga kasong ito, pabayaan na natin na gumulong ang hustisya.

Kung inosente ang mga nasasakdal ay maa-absuwelto naman sila.

Pero kung mapatunayang nagkasala, sila ay dapat lamang na magdusa.