Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
Presyo ng krudo, gasolina bababa sa Martes
Edd Reyes
Dec 22, 2025
409
Views
TILA konswelo de bobo ang 80 sentimos per litro na ibabawas sa presyo ng gasolina at P1.30 naman sa krudo simula alas-6:01 ng umaga sa Dec. 23.
Sa abiso ng PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines at Seaoil, ganito ang price adjustment sa kanilang mga produktong petrolyo na magsisimula ng alas-8:01 naman sa Clean Fuel.
Magbabawas din ng kaparehong halaga sa diesel at gasoline ang Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines.
Sa presyo ng kerosene, bababa ng P1.60 per litro sa parehong oras, ayon sa mga kompanya ng gasolina.
Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang paghina ng pangangailangan at pagdami ng supply ng langis ang dahilan kaya’t nagbago ang presyuhan ng mga ito sa pandaigdigang pamilihan.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

