Ping Lacson

Mas bukas, responsableng pamahalaan inaasahan

242 Views

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na ang matatag na paninindigan ng Malacañang laban sa korapsyon ay magiging simula ng mas bukas at responsable na pamahalaan, habang inihahanda niya ang Senado sa mas masusing pagsisiyasat sa paggamit ng pondo ng bayan ngayong 2026.

Ani Lacson, inaasahan na ngayon ng mamamayan na mas magiging tapat at mahusay ang kanilang mga lider matapos maging mas mulat sa mga isyu ng katiwalian at maling paggamit ng buwis ng taumbayan.

“On a personal note, I thank 2025 for bringing back all my staff that I left behind in 2022, plus a few assets more. With renewed tenacity and hard work, I am even more encouraged to expose more corruption issues that are similar to what has become the most blatant and unprecedented misuse and abuse of the national budget since I left the Senate three years ago,” aniya.

“With a more awakened and angrier citizenry who have never been exposed before to more detailed acts of corruption and plunder of their hard-earned tax money, our national leaders have to brace themselves to address more corruption issues in 2026,” dagdag pa niya.

Bumalik si Lacson sa Senado noong kalagitnaan ng 2025 matapos makuha ang mandato ng mga botante sa midterm elections.

Aktibo siyang nakilahok sa mga imbestigasyon kaugnay ng diumano’y pandarambong sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga substandard at guniguning flood control projects, sa pamamagitan ng mga privilege speech at sa pamumuno sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

“I am looking forward to being actively involved again, along with my team of like-minded individuals with renewed vigor and courage to contribute our share in informing the public through our investigations and research work in ways we know best,” aniya.

Ipinahayag din ni Lacson ang kanyang pag-asa na ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matatag na pamumuno laban sa korapsyon sa mga nalalabing taon ng kanyang termino. “I hope the President will not waver in his remaining years in office. I thought the momentum was already on his side with his famous ‘Mahiya naman kayo!’ SONA remark. Unfortunately, the Filipino people’s perception has not been kind to him, as what the latest surveys have indicated,” ayon sa senador.

Sinabi ni Lacson na umaasa siyang magiging mas matibay ang ugnayan ng ehekutibo at lehislatura sa pagsusulong ng tapat na pamahalaan, at na ang pagpapatuloy ng kampanya ng Malacañang laban sa katiwalian ay maghahatid ng pangmatagalang reporma at tiwala ng taumbayan.