Public

NA SA PUBLIC NA LUGAR SA P’QUE

Edd Reyes Jan 22, 2026
151 Views

MAHIGPIT ng ipagbabawal sa Lungsod ng Paranaque ang pagsusuot ng helmet at anumang uri ng pantakip sa mukha sa loob ng mga establisimiento at pampublikong lugar maliban kung sakay ng motorsiklo.

Layunin ng inakdang ordinansa ni Konsehal Pablo Olivarez II na nilagdaan ni Mayor Edwin Olivarez noong Nobyembre13, 2025 na mapalawak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang krimen makaraang mapaulat ang pagsusuot ng motorcycle helmet at pantakip sa mukha ng mga kriminal na sangkot sa pagnanakaw at iba pang uri ng krimen upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

Saklaw ng pagbabawal ang sinumang tao na nakasuot ng helmet, bonnets, ski mask balaclavas, full-tint face shields, construction helmets, industrial mask, at iba pang uri ng pantakip sa mukha kapag bumaba na sila sa minamanehong motorsiklo.

May kapangyarihan ang mga pulis, barangay official, at security personnel na atasan ang sinuman na alisin ang kanilang helmet at maskara kapag bumaba na sila ng motorsiklo at magtutungo sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ang sinumang hindi tatalima sa ordinansa ay papatawan ng P1,500 na multa at babala sa unang paglabag, P3,000 at community service na hindi kukulangin saw along oras sa ikalawang paglabag, at P5,000 at pagkabilanggo ng hanggang 15-araw, batay sa magiging hatol ng hukuman, sa mga susunod pang pagbabawal.