DA

Kadiwa pararamihin para maghatid ng murang bilihin

218 Views

Plano ng Department of Agriculture (DA) na paramihan ang mga Kadiwa outlet upang mas marami ang makabili ng murang agri-fishery products.

Sa pamamagitan ng Kadiwa ay nakakapagbenta ang mga magsasaka ng kanilang produkto ng hindi dumaraan sa middle-man kaya mas mura ang presyo nito. Pinaliliit din nito ang gastos sa pagbebenta kaya mas malaki ang naiuuwing kita ng mga magsasaka.

Pinarami ang Kadiwa noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung kailan marami ang hindi maaaring lumayo sa kani-kanilang lugar.

Bukod sa pagtatayo ng mga outlet, plano ng DA na magpakalat ng mga Kadiwa on-wheels, o mga mobile market, Kadiwa Express o pagdadala ng mga produkto mula sa Agri-Pinoy Centers patungo sa iba’t ibang drop-off points, at E-Kadiwa o pagbebenta ng produkto sa website na pinatatakbo ng DA-Information Communication Technology Service (ICTS).

Ang pagpapalawig ng operasyon ng Kadiwa ay isa sa paraan ng gobyerno upang makamit ang layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Gumagawa ng hakbang ang gobyerno upang maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa at malimitahan ang pag-angkat nito na nagpapahirap sa mga magsasaka.