Just In

Calendar

May 2024
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Sara

VP Sara sumali sa story telling activity sa Iloilo

115 Views

Hindi lang bumisita si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Iloilo City upang makibahagi sa pagdiriwang ng 85th Charter Day ng siyudad.

Naglaan din ito ng panahon upang makapiling ang mga estudyante sa aktibidad na isinagawa sa Dr. Graciano Lopez Jaena Learning Resource Center and Museum.

Binasa ni Duterte sa mga estudyante ang kuwentong “The Barter of Panay” na tungkol sa Panay Island at ang pagbebenta rito ng mga Negrito sa mga Bornean.

Dumalo din sa storytelling event si dating Pangulo at incumbent Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Binasa naman ni Arroyo ang kasaysayan ng Iloilo at kung papaano nito nakuha ang pangalan.

Layunin ng storytelling activity na mahikayat ang mga estudyante na magbasa.