NLEX

España Interchange ng NLEX connector 80% ng tapos

161 Views

NASA 80% ng tapos ang itinatayong bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Connector sa España, Manila.

Ayon sa NLEX Corporation malaki ang maitutulong ng connector sa pagitan ng Caloocan Interchange sa C3 Road at tinatapos na España Interchange sa Maynila.

Layunin ng connector na pabilisin ang biyahe sa pamamagitan ng pagdurugtong ng NLEX at South Luzon Expressway (SLEX).

Sa pagitan ng dalawang expressway ay maglalagay ng mga interchange kung saan maaaring pumasok at lumabas ang mga motorista.

Ang NLEX Connector Project ay isang public-private partnership (PPP) sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp.

Ang NLEX Connector at nagsisimula sa C3 Road sa Caloocan at magtatapos sa Sta. Mesa, Manila.