Calendar
DCG Cortes pinangunahan pagpapasinaya sa bust ni Jose Rizal sa San Francisco
MAYROON ng bust si Jose Rizal sa Jose P. Rizal Community Center sa San Francisco, California na ini-naugurate ng konsulado heneral ng Pilipinas sa San Francisco.
Pinangunahan nina Deputy Consul General Maria Paz Cortes, Vice Consul Glaiza Quarteros at Cultural Officer Anne Estoya ang Rizal bust inauguration.
Humigit-kumulang sa 4.7 feet ang bust na inilagay sa pwesto sa pakikipagtulungan ng Knights of Rizal-Sacramento Landmark Chapter (KOR-SLC).
Ang paggunita kay Rizal ay lalo pang makabuluhan dahil kasabay ng pagdiriwang ng ika-165 kaarawan ng bayani.
Ang okasyon ay lalo pang mahalaga dahil ito ay naganap sa panahon kung kailan ipinagdiriwang ng Pilipinas at US ang kanilang 80th anniversary ng diplomatic ties.
Dinala ni KOR Area Commander John Louie Estapia mula Hong Kong ang bust at donasyon ni Kumrad Kako, KOR member na nakabase sa Hong Kong.
Sinabi ni KOR-SLC Commander Cesar Sotto na ang paglalakbay na ito ay sumasalamin sa buhay ni Rizal at bagamat hindi namuhay si Rizal sa California, nagbigay ng inspirasyon ang kanyang mga ideya sa mga Pilipino sa iba’t-ibang bansa.

