Calendar
NAIA 3 nilagyan ng EDS ng OTS
SINIMULAN na ng Office for Transportation Security (OTS) ang installation ng 2 pang Explosive Detection System (EDS) X-ray machines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Layunin nito na palakasin ang kakayahan ng OTS Security Screening Officers sa pagtukoy ng mga improvised explosive devices at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na isulong ang modernisasyon sa transportasyon.
Sumailalim ang mga devices sa inspeksyon at beripikasyon alinsunod sa mga pamantayan sa pamahalaan para sa procurement at acceptance.
Kapag ganap nang operational, ang mga EDS X-ray machines ay gagamitin sa mga security checkpoint ng paliparan upang magbigay ng mas pinahusay na imaging capabilities na awtomatikong nakakatukoy, nagsusuri, at nag fa-flag ng mga posibleng banta sa cabin baggage.
Pinangunahan ni Atty. Ernesto Tendero Jr., Executive Assistant ng OTS, ang inspeksyon at acceptance activities, kasama ang Inspection Committee na pinamumunuan ni Erwin Marcelino Pinili.
Matapos ang beripikasyon ng mga komite, nakumpirma na kumpleto at alinsunod sa itinakdang teknikal na pamantayan ang mga kagamitan.
Ang pagbili at pag-install ng karagdagang EDS units ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na palakasin ang kakayahan sa aviation security, paghusayin ang screening efficiency, at matiyak ang tuloy-tuloy na pagsunod sa pamantayan sa seguridad ng himpapawid.

