bro marianito

Mas unahin nating pagandahin ang loob ng ating puso kaysa sa panlabas nating itsura (Mateo 23:23-26)

513 Views

“Kahabag-habag kayo mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at pagiging makasarili”. (Mateo 23-25)

“KAHARAP ko sa dyip ang isang ale. Nagro-rosaryo, mata niya’y nakapikit pumara sa may kumbento, sa babaan lang po sabi ng tsuper kasi may nanghuhuli. Mura ng mura parin ang ale. Banal na aso, santong kabayo natatawa ako hihihihi”.

Marahil ay naaalala niyo pa ang kantang ito na inawit ni Yano. Sumikat ang awiting ito noong Dekada 90 na pumapatungkol sa mga taong nagbabanal-banalan o kaya naman ay nagkukunwaring relihiyoso subalit ikinukubli lamang pala nila ang kanilang totoong pagkatao.

Ang mga taong may tinatawag na “split personality” o naghahati ang masama at ang mabuti sa kanilang pagkatao ay maaaring hindi pa talaga nila isinusuko sa Panginoong Diyos ng buong-buo ang kanilang sarili. Sapagkat hindi parin nila kayang kontrolin ang masasamang bagay sa kanilang sarili tulad ng galit, pagkamuhi, inggit at iba pang bagay.

Dahil kung talagang ipinaubaya na nila sa Panginoon ang kanilang buhay na makikita sa kanilang pagiging relihiyoso o banal. Dapat sana’y nakakayanan nilang magpasensiya o huminahon. Sapagkat hindi nila hahayaang kontrolin sila ng masamang ugali.

May mga tao na nakikita lamang ang kanilang kabanalan o pagiging relihiyoso sa pamamagitan ng panlabas na aspeto o yung nakikita lamang ng ating mga mata, sa madaling salita ay pakitang tao.