Calendar
Wala munang dagdag pasahe
IPATUTUPAD ng Department of Transportation (DOTr) ang direktiba ng Pangulo na ipagpaliban muna ang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan habang nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy na gulo sa Middle East.
Tulad ng nabanggit ng Pangulo, inihahanda na rin ng DOTr ang iba’t ibang programang tututok at makatutulong sa ating mga pasahero at PUV drivers tulad ng libreng sakay.
Nakausap na rin ni Secretary Banoy Lopez ang mga toll operator para sa pagbibigay ng toll discount.
Minamadali na rin ng DOTr ang paglalabas ng fuel subsidy para sa mga kwalipikadong driver at operator bilang pandagdag tulong.
Patuloy pong kumikilos ang DOTr at lahat ng attached agencies nito para matiyak na agad na maibibigay ang lahat ng posibleng ayuda at suporta sa mga komyuter, tsuper at transport operators.

