Droga

Laban sa droga pinatindi ng PRO 4A

249 Views

Droga1

KAMPO BRIGADYER GENERAL Vicente Lim–Tuloy ang operasyon ng Police Regional Office (PRO) 4A at makikita sa Weekly Accomplishment Reports ang resulta ng kampanya laban sa kriminalidad.

Ayon kay PRO 4A director PBGen. Hansel Marantan, nakumpiska ng mga pulis ang 515.33 na gramo ng shabu at 828.66 gramo ng marijuana kumpara sa 55.06 gramo ng shabu at 310.15 gramo ng marijuana noong nakaraang linggo.

Tumaas ang kabuuang halaga ng nakumpiskang droga mula P2.29 milyon hanggang sa P3.60 milyon.

Sa kampanya laban sa mga loose firearms, nagresulta sa pagkakarekober ng 37 baril at pagkakaaresto sa 22 indibidwal ang operasyon nila.

Samantala, ang mga lokal na ordinansa ay nakapagtala ng 4,365 indibidwal na pinagmulta at umabot sa 14,785 ang pinagsabihan.

Pinanatili ng PRO 4A ang kanilang momentum sa pag-aresto ng 92 Most Wanted Persons at 137 iba pang wanted na indibidwal.

Nananatiling matatag sa kanyang pangako si Marantan sa mandato ng PNP.