QCPD Source: QCPD-PIO

437 nasita ng QCPD sa paglabag sa city ordinances

88 Views

AABOT sa 437 katao ang nasita ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na operasyon laban sa mga lumalabag sa city ordinances, ayon kay PBGen. Randy Glenn Silvio.

Kabilang sa mga paglabag ang pag-inom sa kalsada, videoke noise, at iba pa. Sa bilang na ito, 131 ay mga menor de edad na nahuli sa curfew.

Hindi ikinulong ang mga bata kundi ipinatawag ang kanilang mga magulang, habang ang mga adult violators ay tiniketan ng Task Force Disiplina.

Ayon sa QCPD, layunin ng operasyon na maiwasan ang gulo at krimen sa lungsod. Nagbabala rin ang pulisya sa publiko na sumunod sa ordinansa upang hindi maabala.

May kabuuang 741 pulis at force multipliers ang idineploy sa operasyon, katuwang ang lokal na pamahalaan at barangay.

Samantala, P473,000 multa ang inaasahang makokolekta mula sa mga violators.

Ayon sa QCPD, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod.