Martin

Ex-Speaker Romualdez ‘rock-solid’ ang katatagan sa isasampang kaso

Mar Rodriguez Apr 7, 2026
81 Views

ROCK-solid” sa katatagan, tibay at katapatan si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa isinampang kaso ng Office of the Ombudsman laban sa kaniya.

Ayon sa abogado at spokesperson ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, nakahanda ang dating Speaker na harapin ang kasong isinampa ng Ombudsman kaugnay sa kontrobersiyal na multi-bilyon pisong flood control scandal.

Bagama’t iniulat na mayroon ng inihahandang kaso ang Obudsman laban kay Romualdez, iginigiit ng abogado na walang pang inihahaing kaso, wala pang probable cause at wala ring pagpapasya sa kaso.

Ipinaliwanag ni Fajardo na iginagalang nila ang Ombudsman kasunod ang kanilang pakikipag-tulungan sakaling mayroon ng pormal na proseso para masimulan ang nasabing kaso laban sa kaniyang kliyente.

Nauna ng sinabi ni TINGOG Party List Rep. Jude Acidre na inabsuwelto na ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa anumang pananagutan si dating Speaker Romualdez kaugnay sa kontrobersiyal na flood control project matapos na walang makitang matibay na ebidensiya ang ICI para patunayan ang pagkakasala ni Romualdez tungkol sa nasabing isyu.

Pagbibigay diin pa ng party list solon na mismong ang ICI na ang nagpapatunay na walang malinaw na ebidensiya para isangkot si Romualdez sa multi-bilyong pisong flood control scam batay sa maling akusasyon ng mga naglutangang testigo.

Malaki rin ang tiwala ni Atty. Fajardo na mareresolba ang nasabing kaso batay sa ebidensiya at tamang proseso ng batas ay hindi alinsunod sa pulitika o haka-haka lamang.