Calendar
Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, malaking hamon sa gaming industry ng bansa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na kanyang binanggit sa Manila After Dark networking event na inorganisa ng Inside Asian Gaming noong Abril 14.
PH gaming industry ramdam na epekto ng pagtaas ng presyo ng langis



RAMDAM na ng Philippine gaming industry ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco.
Sa kanyang speech sa ika-34 na edisyon ng Manila After Dark, na inorganisa ng Inside Asian Gaming noong Martes, Abril 14, sinabi ni G. Tengco na may direktang epekto ang pagtaas ng oil prices sa galaw ng negosyo at publiko, na mahalagang aspeto sa operasyon ng gaming sector.
“This is not a good time for everyone,” aniya. “Gaming jurisdictions globally are feeling the impact of the oil crisis, and even more progressive countries like Singapore, Macau, and the United States are not spared.”
Dagdag ni G. Tengco, hindi lamang gaming operators ang apektado kundi pati ang iba pang stakeholders sa industriya.
Sa kabila nito, iginiit ng PAGCOR chief ang kahalagahan ng patuloy na ugnayan at kooperasyon sa loob ng sektor.
“Being together like this makes us forget, even for a while, the challenges we face,” aniya. “It allows us to rekindle relationships—whether as clients, suppliers, or partners—and that is important, especially in difficult times.”
Binigyang-diin din niya na mahalaga ang tuloy-tuloy na komunikasyon at pagtutulungan upang malampasan ng industriya ang pabago-bagong kondisyon ng merkado.
“It is important that we come together, that we continue these conversations, and that we support each other as an industry,” sabi niya.
Ipinunto naman ni G. Tengco na handa ang PAGCOR na mag-adjust sa harap ng nagbabagong sitwasyon.
“At PAGCOR, we will adjust what we need to do. We have to be in tune with the times and ensure that responsible gaming remains at the center of what we do,” aniya.
Tinalakay rin ng PAGCOR chief ang matagal nang panukala na paghiwalayin ang regulatory at commercial roles ng ahensiya.
Aniya, kasalukuyan pa itong nirerepaso ng Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG).
“Many are asking for the decoupling, and we are awaiting the decision of the GCG,” ani G. Tengco. “If we get the approval to privatize, it will be a game changer.”
Ang Manila After Dark ay isang networking event ng Inside Asian Gaming kung saan nagtitipon ang mga regulator, operator, supplier at investor mula sa iba’t ibang bansa upang talakayin ang mga isyung nakaaapekto sa gaming industry.

