Bugbog

Lalaki binugbog ng kuya sa inuman, pinaglalamayan

Gil Aman Apr 25, 2026
289 Views

Bugbog1TIGOK ang 26-anyos na lalaki na ginulpi ng nakatatandang kapatid habang nag-iinuman sa Brgy. Lewin, Lumban, Laguna noong Biyernes.

Nagtamo ng matinding gulpi ang biktima hanggang magkabukol sa ulo at bumula ang bibig at tuluyang natumba ang biktimang si alyas Ian.

Naaresto ang suspek na matandang kapatid ng biktima na si alyas Taguro, 40.

Ayon sa saksi, hindi nagustuhan ng suspek ang batang kapatid sa inasal nito kaya nagalit at kumuha ng screwdriver ang biktima at inundayan ng saksak sa tagiliran ng katawan.

Gumanti ang matandang suspek at pinaggugulpi hanggang sa mawalan ng ulirat.

Naisugod sa Super Health Unit ang biktima subalit nalagutan din ng hininga bunsod ng matinding gulpi.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang arestadong suspek.