Silvio

Ligtas, mapayapang Labor Day celebration tiniyak ng QCPD

30 Views

HANDA na ang Quezon City Police District (QCPD) para sa selebrasyon ng Labor Day bukas, Mayo 1.

Ayon kay PBGEN Randy Glenn Silvio, handa na ang kapulisan sa pinaigting na seguridad upang matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdiriwang sa lungsod.

Magpapakalat ng sapat na bilang ng mga pulis sa iba’t ibang areas of concern, kabilang ang Civil Disturbance Management units, anti-criminality teams, traffic personnel, emergency responders at iba pang security forces.

Nakaantabay rin ang District Reactionary Standby Support Force sakaling mangailangan ng dagdag puwersa.

Ipinatupad ang full alert status simula 12:01 a.m. ng Abril 30 hanggang 12:01 a.m. ng Mayo 2.

Pinayuhan din ni Silvio ang publiko na agad isumbong sa E911 o QC Helpline 122 ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente.

“Kami ay nakahanda para sa mapayapa, maayos at ligtas na Labor Day sa Quezon City,” ani Silvio.