Pari

Pari sa mga opisyal ng pamahalaan: Magsalita laban sa kasamaan

Mar Rodriguez May 11, 2026
26 Views

PariANG pananahimik ng mga kongresista sa isyu ng korapsiyon ay nangangahulugan na sila’y kasabwat sa katiwalian, ayon kay Fr. Lino Gregorio V. Redoblado, OFM.

Sa Misa na ginanap sa People’s Center sa Kamara na dinaluhan ng mga mambabatas, nananawagan din si Fr. Redoblado sa mga opisyal ng pamahalaan na magsalita laban sa kasamaan at suportahan ang katotohanan at pananagutan sa gitna ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Pagbibigay diin ni Fr. Redoblado sa kaniyang Homily na hindi dapat matakot ang mga opisyal ng gobyerno na magsalita laban sa korapsiyon at katiwalian habang nagpapatuloy ang Kamara de Representantes sa proseso ng impeachment laban kay Duterte.

Inilarawan din ng Pransiskanong pari ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa bilang isang “moral at espirituwal” na krisis kasabay ng kaniyang babala laban sa pananatiling tahimik sa harap ng mga alegasyon ng pang-aabuso at korapsiyon.

“Kung patuloy tayong mananatiling tahimik sa harap ng korapsiyon at katiwalian. Unti-unti tayong nagiging kasabwat, ang pananahimik ay maaaring daan upang maging normal na lamang ang kasamaan na parang okey lang,” ani Fr. Redoblado sa kaniyang Sermon.

Nilinaw ni Redoblado na ang isyu ay hindi dapat tingnan lamang bilang partisanong politika kung saan. Ito umano ay hindi tungkol sa pagiging “Anti-Sara o Pro-PBBM at Pro-Leni”.

“Ito ay tungkol sa konsensiya. Ito ay tungkol saq Ebanghelyo at sa kinabukasan ng ating bansa,” sabi pa nito.

Iginigiit ni Redoblado na ang pagpapahintulot sa pagpapatuloy ng proseso ng impeachment ay hindi nangangahulugang napatunayan na ang pagkakasala o paghatol.