Hot News

Mga ahensiya nagme-meeting na sa pag-serve ng arrest warrant kay Bato

51 Views

Matibag1PWEDE naming i-serve ang warrant anytime.”

Ito ang naging pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa mga mamamahayag matapos hindi matuloy ang ahensya sa pag-aresto kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Senado noong Lunes.

Idiniin ng hepe ng NBI na dapat pa ring ipatupad ang warrant ng International Criminal Court (ICC) para kay Dela Rosa sa kabila ng mga tanong kung maipapatupad ito o hindi.

Nagbigay ng pahayag si Matibag nang humingi ng lunas sa Korte Suprema ang legal team ni Dela Rosa para itigil ang pagpapatupad ng arrest order, na sinubukang isilbi ng ahensya noong Lunes.

“Mandato ko as an NBI director kailangan ko pong i-implement ‘yan because I carry the full weight of the National Bureau of Investigation,” Matibag told ANC.

“Nandiyan ang warrant, valid, buhay, na-confirm publicly na ng ICC. Dapat i-serve,” sabi niya.

Nagpupulong na ang DOJ at iba pang ahensya para sa susunod na hakbang.