Garin

Garin: Face mask kailangan pa rin suutin sa mga pampublikong lugar

Mar Rodriguez Sep 20, 2022
242 Views

BAGAMA’T ipinag-utos na ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang “optional” na pagsusuot ng facemask sa outdoor spaces o mga pampubliko lugar. Naniniwala naman ang isang Visayas Lady solon na kailangan pa rin magsuot ng facemask dahil nananatili pa rin isang malaking banta sa kalusugan ang COVID-19 virus.

Naninindigan si Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin, Vice-Chairperson ng House Committee on Appropriations, na kailangan pa rin ang pagsusuot ng facemask sa mga matao at pampublikong lugar sapagkat may ilang mamamayan ang hindi parin bakunado.

Sinabi ni Garin na wala naman siyang nakikitang masama sa naging kautusan ng Pangulong Marcos matapos nitong ipalabas ang Executive Order No. 3 na ginagawang “optional” o boluntaryo ang pagsusuot ng facemask sa mga outdoor spaces.

Subalit ayon kay Garin, ang tinitingnan lamang nito ay ang aspeto ng kaligtasan sa kalusugan ng bawat Pilipino. Kung saan, aminado ang mambabatas na marami pa rin ang hindi natuturukan ng booster shot habang ang iba naman ay wala pa rin anti-COVID vaccination.

“I will still take it as a grain of salt. Kasi nga marami pa rin sa ating mga kababayan ang wala pang booster shots, may mask man o wala, it dosen’t make any difference kasi bukas na bukas pa yung Pilipinas dito sa COVId-19. I will play at the side of safety,” ayon kay Garin.

Ipinliwanag pa ng Iloilo congresswoman, dating Health Secretary noong termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino, na hindi dapat maging kampante ang sinomang mamayan dahil nanaatili parin ng banta ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga sumusulpot na “vriants”.

Binigyang diin pa ni Garin na kahit malakas ang resistensiya ng isang indibiduwal ay maaari naman niyang mahawaan ang mga taong nakakasalamuha nito o maging ang mga kasamahan niya sa bahay na mayroong mahinang resistensiya.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na hindi maiiwasan na magkaroon ng “misinterpretation” ang “optional” na pagsusuot ng facemask. Dahil maaaring isipin aniya ng publiko na wal ng COVID-19 virus gayong ipinag-utos lamang na boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito.