Rape Kinilala ni MPD Chief Arnold Santiago ang suspek na himas rehas dahil sa dalawang bilang ng kasong pangagahasa. JONJON C. REYES

Wanted sa panghahalay dinampot sa harap ng bahay

Jon-jon Reyes Jun 1, 2026
30 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 23-anyos na binata dahil sa dalawang bilang ng kasong pangagagahasa matapos magsagawa ng manhunt operation at maispatan ang suspek sa harap ng bahay nito sa Lakandula St., Tondo, Manila, Lunes ng hapon.

Kinilala ni MPD Director PBGen.Arnold C. Santiago ang akusado na si alyas Justine, 23, binata, nakatira sa Lakandula St., Tondo, Manila.

Ayon sa report ng pulisya, bandang bandang 1:40 ng hapon nang damputin ang suspek.

Ang suspek ay dinampot ng mga operatiba ng tanggapan ng MPD DACU sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ.Billy Ray S. Canagan, Acting Chief, DACU sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Quijano Sales Laure, ng RTC Third Judicial Region, Branch 87 Gapan City, Nueva Ecija.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang suspek ay kabilang sa talaan ng Most Wanted Person sa District Level. Siya at pansamantalang nasa kustodiya ng tanggapang ng MPD-DACU.