Vargas

Paggamit ng beep card bilang centralized payment sa LRT at MRT ipinanukala

Mar Rodriguez Sep 26, 2022
210 Views

Centralized payment sa LRT, MRT gamit ang beep card iminungkahi

IPINAPANUKALA ngayon ng isang neophyte Metro Manila congressman ang paggamit ng “beep card” sa mga pampublikong transportasyon sa Kalakhang Maynila bilang “centralized payment”.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 4913 na isinulong ni Quezon City 5th Dist. Cong Patrick Michael “PM” D. Vargas na naglalayong magkaroon ng tinatawag na centralized payment o “one-card-fits-all system” para sa lahat ng public transportation sa Metro Manila.

Sinabi ni Vargas na malaki ang maitutulong ng “beep card” para maging kombinyente para sa mga pasahero ng MRT at LRT ang pagbabayad ng kanilang pasahe kabilang na rin ang ilang pampasaherong bus.

“As the country faces a looming shortage of beep cards, technological advancement must be coupled with ergonomic solutions. These circumstances pose an opportunity to further develop our policies esprcially commuters transactions in public transportation,” sabi ni Vargas.

Ipinaliwanag pa ni Vargas na sa gitna ng patuloy na pamumuksa ng COVID-19 pandemic, napakahalaga aniya ang pagkakaroon ng “cshaless transaction system” upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus bilang isang pamamaraan ng health protocol.