Suansing

DOTr nakiramay sa pagpanaw ni Bert Suansing

Jun I Legaspi Sep 24, 2022
54 Views

NAKIRAMAY ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Secretary Jaime J. Bautista sa pagpanaw ni Alberto “Bert” Suansing.

“We salute you Engr. Suansing! Rest in Peace, Sir,” sabi sa pahayag na inilabas ng DOTr.

Si Suansing ay dating hepe ng Land Transportation Office Chief; Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman; DOTr Senior Consultant; Toll Regulatory Board Consultant, at Philippine Global Road Safety Partnership’s Secretary General.

Inialay ni Suansing ang kanyang buhay sa pagseserbisyo sa bayan at ang kanyang dedikasyon ay nakatulong sa pagpapataas ng antas ng kaligtasan ng mga kalsada sa bansa at sa estado ng mga road transport stakeholders.