Grad

Konsulado ng PH sa NY kinilala mga Pinoy, FIl-AM na nagtapos nag pag-aaral sa US

31 Views

Grad1Grad2Grad3

MULING ipinagdiwang ng komunidad ang tagumpay at galing ng kabataang Pilipino matapos idaos ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa New York ang ika-13 taunang seremonya ng pagkilala para sa mga natatanging Pilipino at Pilipino-Amerikanong nagtapos sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa hilagang-silangan ng Estados Unidos.

Ginanap ang makasaysayang pagtitipon ng mga pamilya, mga guro, at mga pinuno ng komunidad.

Layunin nitong bigyang-pugay ang 29 na iskolar na nagtapos sa mga prestihiyosong institusyon tulad ng Harvard University, University of Pennsylvania (UPenn), Columbia University, New York University (NYU), Rutgers University.

Hinimok ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang natatanging dual identity o dalawahang pagkakakilanlan bilang isang lakas at sandata sa makabagong panahon.

Binigyang-diin din na gawing gabay sa mga tatahaking landas ang mga natatanging pagpapahalagang Pilipino—ang Bayanihan, Tibay ng Loob, at Malasakit.

Ang mga pinarangalan ay nagtapos sa iba’t ibang larangan—mula sa mga undergraduate degrees sa Data Science at Economics, hanggang sa mga advanced clinical doctorates at law degrees.

Isang maningning na pagbati sa Class 2026!

Ang inyong tagumpay ay patunay ng galing ng lahing Pilipino at nagsisilbing karangalan para sa buong komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa Hilagang-Silangang Estados Unidos.