Chief

Hepe ng PRO 4A: Disiplina, propesyonalismo kailangan natin

34 Views

Chief1

KAMPO VICENTE LIM, Laguna–Nagpaalala ang Police Regional Office 4A (PRO-4A) sa mga tauhan nito na dapat panatilihin ang disiplina at propesyonalismo matapos kumalat sa social media ang insidenteng kinasangkutan ng isang pulis sa rehiyon.

Ayon kay PRO 4A chief P/BGen. Hansel Marantan, inaasahan na ang bawat pulis ay ehemplo ng mabuting pag-uugali at paggalang sa lahat ng pagkakataon.

Binigyang-diin ng pamunuan na ang tiwala ng publiko ay isang sagradong tungkulin na dapat pangalagaan.

“Ang bawat kilos ng isang pulis ay sumasalamin hindi lamang sa kanyang pagkatao kundi sa buong organisasyon,” sabi ng PRO-4A director.

Hinimok ng PRO 4A ang mga pulis na isabuhay ang kababaang-loob at pagpipigil sa sarili upang maiwasan ang mga insidenteng nagbibigay ng masamang imahe sa mga pulis.