Calendar
Ambassador Romualdez tinanggap pinakabagong kalahok ng IMPACT!

HINIKAYAT ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang mga kabataang Filipino-American sa Washington D.C. na pasukin ang mga makapangyarihang trabaho at maging katuwang sa pagpapalakas ng komunidad at ugnayang Pilipinas-Amerika.
Ang panawagan ay ginawa ng embahador sa pagtanggap nito sa mga pinakabagong kalahok ng IMPACT! professional development program.
Para sa 2026, binuo ang IMPACT! ng mga mag-aaral sa unibersidad na nagpapakadalubhasa sa ekonomiya, batas, agham pampulitika at pampublikong patakaran nina Jasmine Lianalyn Rocha (Columbia University) Margaret Jane Piatos (University of Virginia) Reece Cynthia Roach (University of California, Berkeley) at Spencer Smith (Yale University)
Ang IMPACT! na nasa ikapitong taon na ngayon, ay isang pinagsamang inisyatiba ng Embahada at ng US-Asia Institute (USAI).
Layon nitong ihanda ang mga natatanging lider-kabataan para sa mga susunod na pamumuno.
Sa loob ng siyam na linggo, sasailalim ang mga kalahok sa hands-on mentorship, professional networking at aktuwal na karanasan sa politika at pamahalaan ng Amerika.

