Calendar
24 Pinoy sa Russia pinalaya matapos makulong ng 9 na buwan

MAKAKABALIK na sa Pilipinas ang 24 na Pilipinong halos siyam na buwan ding nanatili sa kustodiya sa Russia matapos aprubahan ang kanilang pagpapalaya, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa inilabas na pahayag nitong Biyernes, Hunyo 19, sinabi ng Pangulo na nakatakda nang umuwi ang mga naturang Pilipino upang muling makasama ang kanilang mga pamilya matapos ang mahabang panahon ng pagkakahiwalay.
Ayon sa ulat, ang mga ito ay nakadetine sa lungsod ng Irkutsk sa Siberia kaugnay ng usaping may kinalaman sa immigration at hindi naman nasampahan ng kaso.
Nagpasalamat din si Marcos kay Russian President Vladimir Putin at sa pamahalaan ng Russia sa naging pakikipagtulungan upang maresolba ang usapin.
“After nine months in detention, 24 Filipinos in Russia will finally be on their way home to be reunited with their families. I thank President Vladimir Putin and the Russian Federation for their assistance and cooperation in bringing this matter to a positive resolution,” ani Marcos.

