Hot News

Hontiveros bukas sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

19 Views

HontiverosINAMIN ni Senador Risa Hontiveros na seryoso niyang ikinukunsidera ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2028.

Ginawa ng senadora ang pahayag matapos dumalo sa isang student forum sa Southwestern University PHINMA sa Cebu City nitong Biyernes, Hunyo 19.

Ayon kay Hontiveros, mahalaga umanong makapaglatag ang kanilang hanay ng isang matibay at kapani-paniwalang alternatibo para sa mga botante sa susunod na pambansang halalan.

“I think it is really necessary na magkaroon kami from our ranks ng strongest, best, most attractive and hopeful offer sa ating mga kababayan at mga kapwa botante,” ani Hontiveros.

Hindi naman direktang tinukoy ng senadora kung anong partikular na posisyon ang kanyang tinutukoy, ngunit ang pahayag ay isa sa mga pinakaunang indikasyon na bukas siya sa posibilidad ng pagtakbo sa mas mataas na pwesto sa 2028.

Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo mula sa kampo ni Hontiveros kaugnay ng magiging desisyon niya para sa susunod na halalan.