Calendar
Source: DSWD
AICS bill naantala dahil sa anti-epal provision–Sen. Tulfo
BINATIKOS ni Sen. Erwin Tulfo ang pagkaantala ng bicameral approval ng panukalang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act dahil umano sa probisyon na nagbabawal sa mga politiko na mamahagi ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Tulfo, ilang kongresista umano ang tumangging pumirma sa report dahil sa Section 17 ng panukala na nagbabawal sa mga politiko na mamahagi ng financial assistance, partikular ang ayuda mula sa DSWD.
Sinabi ni Tulfo na nais pa raw pag-aralan ng mga mambabatas ang nasabing probisyon.
Humingi rin ng paumanhin si Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na naghintay sa session para sa bicam report ngunit hindi umusad ang panukala dahil sa deadlock.
Kung naaprubahan ang bicam report noong Hunyo 17, pirma na lamang ng Pangulo ang kailangan upang maging ganap na batas ang panukalang AICS Act, ayon kay Tulfo.
Layunin ng panukala na magbigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa crisis, kabilang ang mga may trabaho ngunit biglang nangangailangan ng ayuda mula sa pamahalaan.
Layunin din ng panukala na gawing institutionalized ang AICS upang matiyak ang tuloy-tuloy na pondo at mas maayos na pagpapatupad nito.
Ayon kay Tulfo, layunin ng probisyon na maiwasan ang paggamit ng ayuda ng gobyerno para sa political credit o pamumulitika.
“I have long heard that AICS is constantly being used to dole out goods to our countrymen in exchange for their votes. We are trying to stop that tradition, or whatever you want to call it,” sabi ni Tulfo.
