Calendar
Pagdami ng economic activity inaasahan sa Metro Manila Subway Project
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalo pang darami ang economic activity sa Metro Manila Subway Project.
Pinangunahan ni Marcos ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway sa Pasig City noong Lunes, Oktobre 3.
Sinabi ni Marcos na makatutulong ang subway upang mapabilis ang pagbiyahe ng maraming Pilipino.
“With improving linkages of key areas in business districts in the metro as well as the availability of stalls and other stores in the stations and nearby markets, we can see more business opportunities for entrepreneurs and investors and additional economic activity,” sabi ng Pangulo
Bagamat marami umano ang mahihirapan sa isasagawang pagtatayo ng proyekto, hinimok ni Marcos ang mga maaapektuhan na gawing positibo ang pananaw dahil sa inaasahang benepisyo nito.
“Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to our people all over the country,” dagdag pa ng Pangulo.