Magsino1

Magsino nagpa-abot ng pagbati sa tagumpay ni Alex Eala

Mar Rodriguez Jul 7, 2026
234 Views

AlexNAGBIGAY pugay at nagpa-abot ng pagbati si dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino para kay Pinay tennis star Alex Eala matapos ang makasaysayang tagumpay nito sa nakalipas na 2026 Wimbledon Open.

Para kay Magsino, si Eala ay maituturing na isang malaking inspirasyon para sa mga kabataan dahil buong tapang na ipinakita nito na ang tagumpay ay hindi imposibleng makamit hangga’t nananatili ang determinasyon at desikasyon.

Ipinaliwanag ni Magsino na ang tagumpay na nakamit ni Eala ang magsisilbing instrumento upang gisingin at ibangon ang moral ng mga Pilipino partikular na ang mga kabataan na naapektuhan ng mga kasalukuyang ligalig na nangyayari sa ating bansa.

“Ipinakita ni Alex Eala na walang imposible hangga’t nananatili sa ating mga puso ang determinasyon at dedikasyon. Ang kaniyang tagumpay ay isang malinaw na mensahe na hindi tayo dapat sumuko at mawalan ng pag-asa,” wika ni Magsino.

Pinapurihan din ng dating Lady solon ang magandang performance ni Eala sa Wimbledon na naging instrumento para maipagmalaki ang pagiging isang Pilipino at magsilbing inspirasyon para sa napakaraming kabataan na mangarap.

Sinabi pa ni Magsino na ang nakamit na tagumpay ni Eala ang magsisilbing simbolo ng pagpupunyagi hanggang sa susunod na henerasyon sapagkat hindi aniya basta-basta malilimutan ang Nagawa nito para sa bansa.