Gatchalian

Gatchalian humiling ng agarang action vs karahasan sa mga paaralan

42 Views

NANAWAGAN si Senate President Sherwin Gatchalian ng agarang pagkilos kasunod ng mga ulat na dalawang mag-aaral ang natagpuang may baril sa magkahiwalay na insidente at nasangkot naman umano ang mga estudyante sa pananakit sa isang guro.

Sinabi ni Gatchalian na sangkot sa isang insidente ang isang mag-aaral sa isang paaralan sa Biliran, habang ang isa ay iniulat sa Isabela City, Basilan. Sa Davao de Oro naman iniulat ang pananakit sa isang guro.

“These demand urgent action!,” sinabi ni Gatchalian.

Nanawagan siya para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan ngunit sinabi niyang dapat ding tugunan ang ugat ng marahas na pag-uugali ng mga kabataan.

“Mahalaga ang mas mahigpit na seguridad sa paaralan, ngunit dapat ding tugunan ang ugat ng marahas na pag-uugali ng mga kabataan,” sinabi ni Gatchalian.

Itinulak niya ang pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program at Parent Effectiveness Service Program.

Nanawagan din si Gatchalian para sa epektibong pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct at Values Education.

Sinabi niyang dapat sabayan ng mga hakbang na ito ang mas mahigpit na seguridad sa pagtugon sa karahasang kinasasangkutan ng mga mag-aaral.