Calendar
Slay mama 10!
TAG-ULAN man ay hindi papayag na masira ang hotness ni Fuschia Anne Ravena matapos ibahagi ang kanyang sizzling beach snaps mula sa Malapascua Island. Sa kuha, nakaupo siya sa buhangin habang suot ang two-piece swimsuit, tampok ang kanyang toned figure at confident na beachside pose.
Mas naging matindi ang dating ng larawan dahil sa golden-hour lighting na bumalot sa kanyang katawan, habang ang natural niyang beauty at sultry na ekspresyon ay lalong nagbigay ng mapang-akit na appeal sa eksena.
Agad namang napuno ng paghanga ang comment section. “Guapa,” “Ganda this girl!!!!!” at “SLAY MAMA 10” ang ilan sa mga banat ng fans, habang may nagkomento ring, “Love this! You look amazing on the beach with this dog.”
Hindi rin nakaligtas sa pansin ng netizens ang kasama niyang aso na tila “bodyguard,” na naging dagdag-kulitan sa post. Sa pagkakataong ito, malinaw na hindi lang tanawin ng Malapascua ang pinagtutuunan ng pansin.
Larawan: Fuschia Anne Ravena/IG
