Calendar
Ang mga eksena ng mga pulis ng MPD sa ginanap na earthquake drill sa MPD quadrangle sa UN Avenue, Ermita, Manila noong Biyernes.
Earthquake drill ginanap sa MPD headquarters

NAGSAGAWA noong Biyernes ng simultaneous earthquake drill ang mga miyembro ng Manila Police District sa kanilang headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila bilang paghahanda sa tinaguriang The Big One.
Bandang alas-2:30 ng hapon tumunog ang bell para sa simula ng fire drill sa loob ng MPD headquarters.
Ilang minuto pa ay unti-unti ng naglalabasan ang mga pulis mula sa iba’t-ibang departamento hawak ang kanilang mga ulo at ang iba naman ay nanatili sa loob ng kanilang mga opisina at nakaupo.
Nagsagawa din ng rescue drill ang mga pulis mula sa kanilang mga kasamahan ng kunwari ay naipit o nadaganan ng debris mula sa mga bumagsak na pader at poste dulot ng lindol at sunog.
Ang iba ay isinakay sa wheel chair at stretcher at dinala sa medical treatment areas habang minomonitor naman ang iba ang mga posibleng naiwan o na-stranded sa loob ng gusali habang naka antabay ang mga bumbero at ambulance sa MPD quadrangle.
Nasa ikatlong quarter na ng pagsasanay ang mga pulis sa MPD sa pangunguna ni PBGen. Arnold Santiago.
