Calendar
Source: Omni Aviation
Omni Aviation suspendido ng CAAP matapos ang emergency landing
PINATAWAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng 7 araw na suspensyon simula Oktubre 4 ang lahat ng flight at ground training operations ng Omni Aviation Approved Training Organization (ATO) matapos ang emergency landing ng aircraft RP-C8864 sa Arayat, Pampanga noong Oktubre 3.
Ang suspensyon ay precautionary safety measure upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng CAAP hinggil sa insidente.
Sinuspinde rin ng pitong araw CAAP ang Pilot-in-Command (PIC) na sangkot sa insidente mula sa paggamit ng kanyang pribilehiyo bilang piloto at flight instructor.
Binigyang-diin ng CAAP na ang kaligtasan ang pinakamataas na prayoridad ng ahensya at lahat ng kinakailangang hakbang ay isasagawa upang matiyak ang seguridad ng flight operations, aviation personnel at ng publiko.
